Isinusulong ni Senadora Cynthia Villar sa senado ang isang panukala na nagtatakda ng mataas na minimum wage para sa mga nurse sa mga pribadong ospital sa buong bansa.
Sa senate bill number 1837, inaatasan nito ang nNational Wages and Productivity Commission ng Labor Department na tingnan ang minimum wage ng mga nurse na nasa pribadong ospital.
Nakasaad din sa naturang panukala na sa pagtatakda ng minimum wage, ay dapat ikonsidera ang mga sumusunod:
- ang cost of living;
- ang lokasyon ng pribadong ospital at bed capacity nito;
- at ang sweldo ng mga nurse sa pagamutan ng gobyerno.
Pagdidiin ni Villar, dapat na magpatawag ng mga public hearing ukol sa minimum wage para sa mga nurse.
Ito’y dahil, napakalaki at napakahalaga ng papel ng mga nurse.
Kasabay nito, kung ang report ng Bureau of Local Employment ng DOLE ang pag-babasehan, ang entry-level registered nurse sa pribadong pagamutan ay sumusuweldo lang ng P8,000 hanggang higit p13,000 lamang kada buwan.
Ibig sabihin, wala pa sa kalahati ng basic monthly salary ngayon ng mga nurse sa mga pagamutan ng gobyerno na naitaas na sa higit P32.000. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno