Lusot na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang panukala para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Nakasaad sa house bill 5989 o disaster resilience act na ang DDR ang mangungunang ahensya sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation matapos ang kalamidad.
Inaasahang malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng DDR sa pagharap ng bansa sa mga kalamidad at emergencies.
Ang pagbuo ng DDR ay isa sa mga prayoridad na nais isulong ni Pangulong Duterte na binanggit siya kaniyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA).