Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang magtatag ng Philippine Center for Disease Prevention and Control.
Kabilang ang naturang panukala sa binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State Of the Nation Address (SONA).
Sa botong 193-6, aprubado na ang house bill 9560 o CDC., na nagsusulong na mapaghandaan ng Pilipinas ang anumang pandemyang posibleng dumating gaya COVID-19.
Kabilang sa mandato ng bill ang reporma sa recruitment, training, Employment at Management ng public health emergency personnel ng bansa at tiyakin ang mga napapanahong programa at teknolohiya.
Kung maipapasa bilang batas, mapapasailalim sa CDC Ang ilang sangay ng DOH tulad ng Epidemiology Bureau at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).