Naghain ng panukala para sa pagtatayo ng Department of Water, Irrigation, Sewage and Sanitation Resources Management (DWISSRM) si dating Pangulo at Incumbent Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo (GMA).
Ayon sa House Bill 4-82 ni CGMA, sa kasalukuyan ay hiwa-hiwalay ang ahensya na nangangasiwa sa yamang tubig ng bansa na minsan ay mayroong magkakasalabat na polisiya.
Sa ilalim ng panukala, ang DWISSRM ang gagawa ng polisiya kaugnay ng suplay ng tubig at sewage and sanitation management.
Samantala, ang panukalang departamento ay pamumunuan ng kalihim na mayroong hindi hihigit sa limang undersecretaries.