Lusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang pagtatayo ng mga pampublikong paaralan sa remote areas sa bansa.
Layon ng nasabing panukala na mapalakas din ang kalidad ng edukasyon sa tinaguriang geographically isolated disasvantaged conflict affected areas.
Batay sa panukala, ang Department of Education (DEPED) ang magsisilbing lead agency sa pagpapatupad ng batas partikular ang pagbuo ng mga panuntunan sa school requirements at construction timetable katuwang ang dpwh.
Lumalabas sa datos ng DEPED na nasa 9,000 last mile schools ang natukoy na at kanilang tinututukan na kabilang ang pagsasaayos ng mga access road patungo sa mga paaralan.