Lusot na sa House Committee on Health ang consolidated substitute bill hinggil sa pagpapatayo ng Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC).
Magugunitang kabilang ito sa ipinanawagan sa kongreso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Pinag-iisipan naman ng mga mambabatas kung paghihiwalayin ang communicable at non-communicable diseases sa itatatag na CDC.
Gayunman, nanindigan si Committee Chairman at Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. na hindi maaaring paghiwalayin sa itatatag na CDC ang communicable disease at non-communicable diseases.
Nakatakda namang isapinal ng komite ang naturang panukala na isusumite sa plenaryo upang aprubahan. – sa panulat ni Hannah Oledan