Isinusulong ni U.S. Congresswoman Susan Wild ang house resolution 8313 o Philippine human rights act.
Tinawag ni Wild ang Duterte administration bilang ‘brutal regime’ na ang tina-target ay labor organizers, mga manggagawa at kalaban sa pulitika.
Nakasaad din sa inihaing resolusyon ni wild ang pagtigil sa pagpopondo ng Amerika hanggat hindi napapatunayang natapos na o natigil na ang mga pag-atake ng gobyernong Duterte.
Binigyang diin ni Wild na hindi dapat payagang magamit ang pondo ng Amerika sa paglabag ng karapatang pantao at dignidad ng mga tao.
Katuwang ni Wild sa paggigiit ng naturang resolusyon ang 23 pang kapwa kongresista.