Lusot na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang house bill 7068 na naglalayong palawigin pa ng dalawang taon ang estate tax amnesty.
Ito’y makaraang isagawa ang viva voce voting para maamyendahan ang Republic Act 11213 o mas kilalang tax amnesty act.
Kasunod nito, ayon kay House Ways and Means Committee Chair, Congressman Joey Salceda, magbibigay daan ito para mabawasan na kakaunti ang pasanin ng mga indibidwal na mayroon pang hindi nababayarang buwis.
Samantala, oras namang maisabatas ang naturang panukala, extended pa ng dalawang taon ang amnesty para sa paghahain sa estate tax na inaprubahan naman ng pangulo noong Pebrero noong nakaraang taon.