Naghain ng panukala si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves upang palitan ng pangalan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawin itong Ferdinand E. Marcos International Airport.
Sa inihain nitong house bill 6-10, iginiit nito na mas angkop kung ipapangalan ang Airport kay Marcos Sr. na siyang tumulong at nagtaguyod ng pagtatayo nito.
Maaalalang sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino ay pinalitan ang pangalang Manila International Airport ng NAIA o sunod sa pangalan ng kanyang mister na si Ninoy Aquino na pinaslang sa naturang airport.
Samantala, naniniwala naman si Teves na mapapantayan kung hindi man ay malalagpasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga nagawa ng kanyang ama.