Naghain ng panukalang batas ang ACT-CIS Partylist na may layuning mabigyan ng ayuda kada buwan ang mga indigent Persons With Disability (PWDs).
Base sa House Bill 1754 na inihain ng naturang grupo, inaatasan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang National Council on Disability Affairs (NCDA), na bigyan ng P1-K buwanang subsidiya ang mga PWD bilang pandagdag sa kanilang panggastos at pang araw-araw na pangangailangan.
Sa tulong ng NCDA, kanilang beberipikahin at i-cecertify ang mga indigent PWDs na eligible na mabigyan o makatanggap ng ayuda kada buwan.
Nakapaloob din sa panukala ang mga mahuhuling magpapanggap na benepisyaryo ay posibleng mapatawan ng kaukulang parusa.