Nilinaw ng Department of Transportation na hindi sila nagpanukala na maningil ng toll fee sa mga motoristang dadaan sa EDSA.
Ayon sa DOTr, hindi pa napag-uusapan ng kasalukuyang mga opisyal ng ahensiya ang naturang usapin bagama’t napanukala na ito ng ilang mga stakeholder.
Una nang napabalita na sinabi ni Assistant Secretary Bert Suansing na pinag-aaralan ng DOTr ang paglalagay ng toll fee sa EDSA at posibleng maipatupad ito sa 2021.
Sinabi ng DOTr na ang naturang suhestyon ay napag usapan nuon pang panahon ni MMDA Chairman Benjamin Abalos mahigit isang dekada na ang nakalipas.
Winiwelcome ng DOTr ang anumang suhestyon para maisaayos ang transportasyon ngunit hindi ibig sabihin ay ipatutupad na ito dahil kinakailangan na muna itong dumaan sa proseso.