Suportado ng COMELEC ang panukalang naglalayong patawan ng multa ang mga idedeklarang nuisance candidates.
Ayon kay COMELEC Dir. Maria Casingal, pabor sila sa panukalang House Bill No. 9557 kung saan pagmumultahin ng 100,000 pesos ang mga mapapatunayang tumatakbo lamang para manggulo at gawing katatawanan ang halalan.
Bukod aniya rito ay hindi rin nila papahintulutan ang pagtakbo ng nuisance candidates sa susunod na dalawang eleksyon.
Sinabi pa ni Casingal na nais nilang patawan ng mas mabigat na penalty ang nuisance candidates. —sa panulat ni Hya Ludivico