Pumasa na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang House Bill 5777 o panukala para patawan ng buwis ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.
Mababatid na layon ng naturang panukala na amyendahan ang national internal revenue code.
Oras na maisabatas ang naturang panukala, papatawan ng 5% franchise tax ang annual gross revenue ng mga pogo, habang 25% na withholding tax naman sa mga tauhan ng POGO o katumbas ng kanilang taunang sahod.