Inaasahang aaprubahan na ng Metro Manila Council o MMC ang panukalang patawan ng multa ang mga e-bikes at e-tricycles na dumadaan sa national roads.
Ito ang inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kasunod na rin ng proposal nito na i-regulate ang mga de-bateryang sasakyan.
Ayon kay MMDA Director for Traffic Enforcement Group Atty. Victor Nuñez, nagpulong na ang technical working group o TWG hinggil dito kung saan nagkasundo aniya ang mga miyembro na magkaroon ng tamang regulasyon dito.
Ipinunto ni Nunez na may inilabas nang administrative order ang Land Transportation Office o LTO noong 2021 na may kinalaman sa guidelines para sa mga e-vehicles, e-bikes, e-motorcycles, at e-trikes.
Gayunman, hindi binanggit ni Nuñez ang mga penalties o fines laban sa mga lalabag dito.