Nagpahayag ng suporta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panukalang payagan na ang mga kabataang edad 15 hanggang 17-anyos na lumabas ng bahay.
Sa pulong kasama ang Inter-Agency Task Force, sinabi ni MMDA Chairman Benjamin Abalos Jr. na pangunahing dahilan bakit ito ipinapanukala ay dahil sa lubusang pagsadsad ng ekonomiya ng bansa bunsod ng patuloy na nararanasang pandemya.
Ani Abalos, hindi naman siguro magiging padalos-dalos kung gagawing 15 anyos sa halip na 10-taong gulang ang edad ng mga batang papayagan nang lumabas.
Maaari rin naman umano itong baguhin agad ng mga alkalde kung sakaling makikitaan muli ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang nasasakupan.
Una rito, nagpahayag ng pangamba ang ilang eksperto hinggil sa panukala dahil sa sinasabing posibleng maging spreader ang mga bata.