Kaagad lalagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang National ID System o Philippine Identification System sa sandaling maratipikahan na ito ng Kongreso.
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aprubahan ng Bicameral Conference Committee ang nasabing panukala.
Ayon kay Roque ang naturang landmark bill ay bahagi ng legislative priority agenda ng Duterte administration dahil layunin nitong mapagbuti ang pamamahagi ng government services sa taumbayan.
Sa ilalim ng panukala isang government issued ID system na lamang ang gagamitin ng mga Pilipino sa passport, driver’s license, SSS, GSIS, PhilHealth, Pag-Ibig at NBI at ito ay valid habambuhay.
—-