Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang payagan ang 100% ownership ng public services tulad ng dayuhan sa transportasyon at telekomunikasyon.
Sa botong 136 yes, 43 no at 1 abstain, lumusot ang house bill 78 na nag-aamiyenda sa 84 year old public service act.
Kapag tuluyang naging batas maaari lamang mag may-ari ang dayuhan kapag hindi ito kaya ng Pilipino o mayroong nilikhang batas hinggil dito o mayroong inaprubahang international agreement.
Nakasaad din sa panukala na hindi maaaring magkaroon ng capital stocks sa anumang public service sa ilalim ng classification ng public utility ang isang foreign nation bago maisabatas ang panukala o kaya naman ay walang kaparehong karapatan ang bansa ng nasabing dayuhan para sa mga Filipino nationals.
Binigyan din ng kahulugan sa nasabing panukala ang public utility na magiging limitado sa electricity distribution, electricity transmission at water pipeline distribution o sewerage pipeline system.
Sa ilalim ng article 22, section 11 ng 1987 constitution ang operasyon ng public utility ay dapat na 60% pag-aari ng mga Pilipino.