Suportado ng Malacañang ang panukalang ilipat ang online gaming workers sa self-contained communities o hubs, subalit dapat igalang ang karapatan ng mga empleyadong ito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat ma protektahan ang lahat ng mga dayuhang nasa pilipinas.
Una nang na-alarma ang Chinese embassy sa nasabing plano ng PAGCOR dahil paglabag anila ito sa basic legal rights ng mga Chinese citizens.
Gayunman, nilinaw ni PAGCOR chair Andrea Domingo na ang mga nasabing hubs ay magbibigay na ng mga pangunahing pangangailangan ng mga dayuhang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Kabilang dito aniya ang office at residential spaces, good establishments, wellness and recreational facilities at service shops.