Bumaba ng P850 milyon ang panukalang pondo ng Department of Science and Technology (DOST) para sa taong 2022.
Mula sa kasalukuyang budget ng DOST na P25.188 bilyon bumaba ito ngayong taon sa P24.338 bilyon.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Pena, sanhi ng tapyas sa kanilang pondo ang delay sa modernization program ng pag-asa na siyang lubhang tinamaan dahil nabawasan ang pondo nito mula P1.8 milyon nitong 2021 papunta sa P1.3 milyon para sa 2022.
Sa kabila nito, siniguro naman ni Dela Pena na patuloy ang pagbibigay ng maayos na serbisyo ng pag-asa.—sa panulat ni Rex Espiritu