Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang panukalang bigyang prayoridad sa pagbibigay ng bakuna ang mga lugar kung saan mataas ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, posibleng maikunsidera ang naturang panukala dahil sa maaaring nitong magawa para mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ani Duque, wala siyang nakikitang problema kung gagawing prayoridad ang mga lugar kung saan nangangailangan na ng bakuna dahil sa pagsirit ng kaso ng nakahahawang sakit.
Kabilang aniya sa mga lugar na kanilang tinitingnan sa ngayon ay NCR, Calabarzon, Region 3, Region 7 at CAR.
Gayunman kailangan pa rin umanong hintayin ang pinal na desisyon ng NTF at IATF.