Malabo nang maisabatas ang panukalang magkaroon ng ROTC o Reserve Officer’s Training Corps ang mga estudyante sa senior highschool.
Ito ay kahit pa sinertipikahan itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag asang maihahabol pa ito sa 17th Congress.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, next to impossible nang maaprubahan ang naturang panukalang batas dahil mag a- adjourn na ang 17th Congress ngayong araw.
Aniya, sana ay mas maagang nailabas ang certification of urgency para sa panukalang pagbabalik ng ROTC.
Gayunman, sinabi ni Zubiri na sa pagbubukas ng 18th Congress ay posible maging isa na itong ganap na batas.