Gugulong na sa Kamara ang panukalang Salary Standardization Law V (SSL V).
Naniniwala naman si House Ways and Means Committee Chair at Albay Rep. Joey Salceda na malaki ang maitutulong ng nasabing panukala sa kaling maisabatas.
Inaasahan aniya kasi na sa loob ng tatlong (3) taon ay itataaas ng hanggang 15% ang tinatanggap na sweldo ng mga civil servant.
Pangunahing makikinabang dito ay ang mga kawani ng gobyerno na nasa salary grades 1 hanggang 17.
Kasabay nito, iginiit din ni Salceda na higit na dapat na makinabang dito ay ang mga guro.
Magugunitang isa ang pagtataas sa sahod ng mga guro, nurse, at mga kawani ng gobyerno sa mga nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang nakaraang SONA.