Pina-vi-veto ng democracy.net.ph sa Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Sim Card Registration Law.
Binigyang diin ng advocacy group na bagamat malinaw ang intensyon ng batas na sanggain ang cybercrime at internet trolls hindi naman aniya mga tunay na solusyon ang mga probisyon ng panukala sa mga problema.
Bukod dito, inihayag ng grupo na ipinagkakait din ng panukala sa mga user ang dapat sanay dagdag na seguridad para sa mga celebrity, public figures, influencers, activists, human rights defenders, mga biktima ng domestic abuse and violence laban sa mga kababaihan at mga bata.
Ipinabatid pa ng grupo na napatunayan na ang sim card registration sa ibang bansa ay hindi epektibo at inefficient.
Sa halip anito ay malilimitahan ang right to privacy ng bawat subscriber o user at malalagay sa panganib ang mga ito dahil sa paglalagay ng mga personal information sa centralized server.