Hindi nagustuhan ng grupo ng mga nurse ang panukala ng DOH na “singular allowance” upang mabayaran na ang mga hindi pa naibibigay na benepisyo sa mga health workers.
Isinalarawan ni Maristela Abenojar, Filipino Nurse United President, ang naturang panukala na “meager, divisive at unfair”.
Giit ni Abenojar, tila binabarat na nila ang mga health workers sa dahil ilang beses na aniyang naantala ang pagbibigay ng benepisyo at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin lahat makakatanggap.
Dagdag ni Abenojar, matatawag na “sacrificial lambs” ang ginagawang pagtrato ng gobyerno sa mga health workers dahil sa tila pagbabalewala sa kanilang ginagawang sakripisyo.