Pipilitin ng Bicameral Conference Committee na maaprubahan sa susunod na linggo ang panukalang Salary Standardization Law o SSL IV.
Ito’y makaraang mauwi sa deadlock ang dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa kabiguang resolbahin ang usapin ng pagtataas ng pension sa mga retiradong uniformed personnel.
Ayon kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, sisikapin nilang maisalya ang SSL bago ang kanilang break sa susunod na linggo bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo.
Ang nakikita lamang na problema ni Cayetano ay ang quorum sa Kamara ngunit posible naman aniyang maipasa pa rin ang SSL kung hindi ipipilit sa mga mambabatas ang pagpasa naman sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)