Lusot na sa house committee on government enterprises ang panukalang dagdagan ng Dalawang Libong Piso ang pensyon ng SSS pensioners
Inaprubahan ng komite ang motion for omnibus approval ni Bayan Muna Party List Representative Carlos Isagani Zarate para sa labing limang panukala kaugnay sa SSS pension hike
Tiwala si Zarate, isa sa mga may akda ng panukala na kaagad maaaprubahan sa plenaryo ang SSS Pension Hike Bill matapos makalusot sa committee level
Matagal na aniyang hinihintay ng mga senior citizens ang dagdag na SSS pension nila
Binalaan naman ni SSS Vice President Gregory Ongkeko ang mga mambabatas na talagang babagsak ang actuarial life ng SSS na dapat ay 2042 subalit magiging 2025 na lamang
By: Judith Larino