Tiniyak ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na kanyang tututulan ang panukalang sugar sweetened beverages tax at dagdag buwis sa mga produkto o pagkaing may asin.
Ayon kay Recto, wala siyang alam na mga bansang nagpapataw ng excise tax sa mga nasabing pag-kain at produkto.
Iginiit naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagsasa-alang-alang sa mga manggagawa sa sugar industry na posibleng maapektuhan ng isinusulong na sugar tax.
Aniya, maraming Pilipino ang ikinabubuhay ay sa nasabing industriya.
Sinabi rin ni Gatchalian na hindi ito kasiguraduhan para makaiwas ang publiko sa mga sakit tulad ng diabetes.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno