Pinase sertipikahang urgent sa Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang supplemental budget sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Isinulong ito ni KABAYAN Party List Representative Harry Roque batay na rin sa House Bill 5873 kung saan nakasaad ang paglalaan ng 10 Billion Peso supplemental budget para mapabilis ang recovery ng lungsod.
Bukod dito pinase certify ding urgent ni Roque sa Pangulo ang House Bill 222 o ang Rights of Internally Displaced Persons Act.
Binigyang diin ni Roque na ang supplemental budget ay ilalaan sa humanitarian assistance sa mga residente ng Marawi pati na rin sa reconstruction ng mga nasirang imprastruktura, ari arian at mga negosyo.
Nasa kamay naman ng Department of National Defense, DPWH, DSWD at NHA ang paggugol sa 10 Billion Pesos sa sandaling maaprubahan na ng Kongreso ang supplemental budget.