Aprubado na sa Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education ang panukalang suspendihin ang pagbabayad ng loan sa tertiary education at technical vocational education sa panahon ng kalamidad o kagipitan.
Suportado ang panukala ni Unified Student Financial Assistance System for Tertiary (UNIFAST) Education Executive Director Ryan Estevez ang pagsasabatas ng Senate Bill 975 na magpapalakas sa Student Loan Programs.
Nakatakda namang magsagawa ng hiwalay na pag-aaral ang UNIFAST alinsunod sa intensiyon ng Student Loan Program na bayaran ito sa pamamagitan ng installment basis sa bangko.
Samantala, aprubado na rin ng naturang kumite ang panukalang Free College Entrance Examination Act o Libreng Exam sa mga pribadong institusyon. —sa panulat ni Jenn Patrolla