Nangako si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara na masusi nilang pag-aaralan ang panukalang batas na nagpapataw ng dagdag buwis sa mga matatamis na inumin.
Ito’y ayon kay Angara ay para matiyak na hindi makalulusot ang mga probisyon ng tax measure kontra mahirap at hindi magiging pabigat sa pagtaas ng presyo ng mga kahalintulad na produkto .
Sinabi ng Senador na makikipagtulungan sila sa iba pang mga ahensya ng gubyerno tulad ng Department of Finance at Department of Health upang maitulak ang pro-people kapag naipasa na ang nasabing panukala.
Batay sa naturang batas, papatawan ng sampung pisong excise tax ang mga matatamis na inumin tulad ng softdriks, juices, sweetened coffe at iba pa para sa mga gumagamit ng local na asukal habang beinte pesos naman ang ipapataw na buwis sa mga gumagamit ng imported na asukal.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno