Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang rekomendasyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na taas-singil sa pamasahe sa LRT-1 at LRT-2.
Sa oras na maisapinal, nagkakahalaga ng P2.29 ang dagdag sa boarding fare at 21 centavos sa kada kilometrong biyahe.
Ang pamasahe mula Roosevelt hanggang Balintawak ay magiging P16.00 mula sa dating P13.00 para sa stored value, at P20.00 mula sa P15.00 na single journey ticket.
Samantala, ang pamasahe mula sa Recto hanggang Legarda station mula sa dating P12.00 sa stored value at P15.00 sa single journey, ay magiging parehong P15.00 na.
Sa ngayon, dadaan pa ang resolusyon sa Department of Transportation para sa pag-apruba ni Secretary Jaime Bautista bago tuluyang maipatupad.
Noong 2015, huling nagtaas ng pamasahe ang LRT-1 at LRT-2.