Aarangkada na sa susunod na linggo ang debate sa Senado kaugnay ng panukalang taasan ang buwis sa sigarilyo.
Sa ilalim ng panukala, aabutin ng P60 kada kaha ang ipapataw na buwis sa yosi na sinasabing ilalaan para sa universal health care program ng gobyerno.
Ngunit nagbabala naman ang Japan Tobacco International na maaaring lumakas ang mga smuggler na hindi nagbabayad ng taripa sa tuluyan pang pagtaas ng buwis sa naturang produkto.
Mahalaga rin umanong pag-aralang mabuti ang epekto sa industriya ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.