Suportado ng malakaniyang ang pagsusulong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na taasan ang corporate income tax ng mga pribadong paaralan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinang ayunan ng Palasyo ang posisyon ng ahensya dahil batay sa interpretasyon nito sa non-profit schools, dapat ay siyento porsyento ng kanilang kinikita ay hindi napupunta sa ibang layunin, maliban sa dapat na paggamitan nito.
Una rito, nagbabala ang mga pribadong paaralan sa posibleng pagsasara o mataas na singil ng matrikula dahil sa hind napapanahong desisyon ng BIR na pagtataas ng singil sa corporate income tax.
Iginiit din ng samahan ng mga private schools na labag ang hakbang ng BIR sa tax code at sa Saligang Batas.