Tinutulan ng DILG ang panukalang tanggalin na ang mga fixed checkpoints sa halip ay maglagay na lang ng random checkpoints sa Metro Manila habang naka ECQ sa rehiyon.
Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, mahirap ipatupad ang ganitong polisiya.
Hindi rin naman aniya maaaring alisin ang mga checkpoints dahil makatutulong ito para tiyakin na nasusunod ng publiko ang curfew hours at tanging mga authorized persons outside residence lamang ang makikita sa lansangan.
Nilinaw din ni Malaya na ang suhestiyon ng PNP ay hindi tanggalin ang checkpoint kundi maglagay ng random checkpoint sa NCR.