Ibinasura ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang babaan ang ipinapataw na buwis sa mga fixed income earners.
Ayon mismo sa Pangulo, hindi siya kumbinsidong mapakikinabangan ito ng publiko lalo’t patataasin lamang nito ang budget deficit ng gobyerno.
Magkakaroon din aniya ito ng epekto sa magandang imahe ng Pilipinas sa mga kilalang credit rating agencies.
By Jaymark Dagala