Ibinasura ng gobyerno panukalang batas sa Kamara na layong tapyasan ang tax ng mga fixed-income earner.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malinaw ang posisyon ni Finance Secretary Cesar Purisima na hindi maaaring isugal ng pamahalaan sa naturang bill ang lumalagong ekonomiya ng bansa.
Iginiit ni Lacierda na bagaman may magandang epekto ang Tax Incentives Management Act, malulugi naman ang gobyerno ng P30 billion pesos sa unang taon ng implementasyon kung isasabatas ito.
Kailangan anyang magpasa ng mas makatotohanan, flexible at competitve na tax reform measure nang hindi nalalagay sa kompromiso ang ekonomiya na pinaghirapang iangat ng administrasyong Aquino.
Ang pagtutol ng Palasyo ay tugon sa pahayag ni Marikina Representative Miro Quimbo, Chairman ng House Ways and Means Committee na aaprubahan na ang kanyang iniakdang bill sa susunod na linggo.
By Drew Nacino