Ivi-neto ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang panukalang bigyan ng tax exemption ang honoraria at allowance, na ipagkakaloob sa mga kawani ng pamahalaan na naglingkod noong May 9 elections.
Ayon kay Press secretary Trixie Cruz-Angeles, salungat ang panukala sa Comprehensive Tax Reform Program ng pamahalaan.
Batay aniya sa pag-aaral, masyadong malaki ang mawawala sa kita ng gobyerno kung aalisin ang buwis sa mga poll workers.
Maliban sa panukalang tax exemption, ivi-neto rin ni Pangulong Marcos ang panukalang itatag ang Philippine Transportation Safety Board (PTSB).
Batay kasi sa kautusan, magiging kalabisan na ang tungkulin ng PTSB sa mga trabahong ginagampanan ng Transportation Department, PNP, at NBI.