Isinusulong ni Senador Francis Escudero ang panukalang batas na naglalayong lumikha ng 20 Bilyong Pisong trust fund para sa mga aktibong miyembro ng militar at pulisya na mapapatay o kaya’y masusugatan sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Ito’y ayon kay Escudero ay sa harap na rin ng mga kulang na kumpensasyon gayundin ang hindi mahusay na benepisyo ng mga tinatanggap ng mga itinuturing na kawal ng bayan.
Sa ilalim ng Senate Bill 1491 o ang Comprehensive SOCIAL benefit of the Government, layunin nito na gawing institutionalized ang trust fund na itatayo at ide-develop ng Defense Department at ng Department of Interior and Local Government.
Saklaw nito ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya at dependent ng mga sundalo at pulis tulad ng full scholarship, financial, shelter, health at medical care gayundin ang cost of living.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Panukalang trust fund para sa mga masasawi o masusugatang sundalo at pulis isinusulong sa senado was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882