Inihayag ng Malakaniyang na posibleng sertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang naglalayong tuluyang ipagbawal sa bansa ang pagbenta at paggamit ng paputok.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi malayong suportahan ng Pangulo ang naturang panukala kahit pa aniya bumaba na ang bilang ng fire cracker related injuries sa bansa.
Sinabi ni Panelo na pabor ang Pangulo sa nasabing panukala dahil noong Alkalde aniya ito sa Davao City ay mayroon ding umiiral na kahalintulad na ordinansa.
Gayunman aniya may mga grupo na humihikayat sa Pangulo na i-regulate na lamang ang pagbebenta at paggamit ng paputok sa halip tuluyan itong i-ban sa bansa.