Nais ng ilang kongresista na gamitin ang rice subsidy ng mga ahensya ng pamahalaan na pambili ng palay ng mga lokal na magsasaka.
Ayon kay Quezon City First District Representative Wilfrido Enverga pagtutuunan nila ng atensyon ang mga panukala na tutulong sa mga magsasaka.
Aniya, tuloy pa rin ang kanilang pag uusap kahit nasa one month recess ang kongreso.
Dagdag naman ni Gabriela Party List Representative Arlene Brosas, kailangang agaran nang makalikha ng mga batas para sa mga magsasaka sa bansa.
Samantala, nagpasa naman ng panukala sina Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Sinirangan Party List Representative Yedda Marie Romuladez na hinggil sa problema sa bigas.
Sa ilalim ng naturang panukala, hinihikayat ang Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) na direktang bilhin ang mga palay mula sa mga lokal na magsasaka para sa rice subsidy program.