Namemeligro umanong matulad ang kapalaran ng Salary Standardization Law 4 o SSL-4 sa SSS pension hike bill na vi-neto ng Pangulong Benigno Aquino III.
Ang SSL ay tumutukoy sa pagtaas ng sahod ng lahat ng manggagawa ng pamahalaan.
Babala ito ni House Minority Leader Neptali Gonzales ll sa mga senador na nanggigiit na isama sa SSL-4 ang mga sundalo at mga pulis.
Bago nag-adjourn ang Kongreso ay ipinasa na ng mababang kapulungan ang SSL-4 samantalang nagtakda naman ang senado ng panibagong pagtalakay sa panukala para maisama ang mga pulis at sundalo na hindi kasama sa House version.
Sinabi ni Gonzales na bagamat nais rin nilang maisama sa salary increase ang mga pulis at sundalo, magiging problema naman kung saan kukunin ang pondo para rito.
By Len Aguirre