Lusot na sa komite ng Senado ang panukalang taasan ng Dalawang Libong Piso ang matatanggap na pensyon ng mga retiradong miyembro ng Social Security System o SSS.
Ayon kay SENAdor Richard Gordon, Chairman ng Senate Committee on Government Corporation and Public Enterprise, kaniyang isusulong ang sponsorship sa nasabing panukala sa pagbabalik sesyon nila sa Nobyembre.
Sisikapin aniya nila itong maipasa hanggang sa bago sumapit ang kapaskuhan o bago matapos ang taong kasalukuyan.
Naniniwala rin si Gordon na hindi sila mahihirapang maipasa sa plenaryo ang panukalang batas dahil dati na itong naipasa sa nakalipas na kongreso.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno