Inaprubahan na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na layong i-exempt ang mga Persons With Disabilities (PWD’s) sa pagbabayad ng 12 percent Value Added Tax sa mga bilihin at serbisyo.
Ayon kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara, Sponsor ng Senate Bill 2890 o Expanding the Benefits and Privileges of Persons With Disability, ang VAT exemption ay iba pa sa discount sa goods at services na matagal ng umiiral para sa mga PWD.
Ibinase rin anya ang naturang panukala sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 o Republic Act 9994, na nagkakaloob ng VAT exemption sa senior citizens bukod pa sa kanilang 20 percent discount sa mga piling bilihin at serbisyo.
Inihayag naman ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Principal Author ng bill, layon din ng kanilang panukula magkaloob ng additional income tax exemption na P25,000 pesos sa mga nag-aaruga sa mga PWD na wala ng kakayahang suportahan ang kanilang sarili anuman ang edad.
By Drew Nacino