Sinuportahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang panukalang batas na layong protektahan ang mga empleyadong nagtatrabaho na lagpas sa kanilang dapat na pasok.
Ito ay ang panukalang ‘Workers Rest Law’ na naka-pending pa sa kamara at senado na magpoprotekta sa oras ng pahinga ng mga empleyado at magpaparusa sa employers na lalabag dito.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, maraming employers ang nag-aagrabyado ng mga manggagawa at ginagawa nila itong paraan.
Madalas itong maganap lalo ngayong kasagsagan ng pandemya kung saan marami ang naka-work from home. —sa panulat ni Abby Malanday