Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Panukulan sa lalawigan ng Quezon.
Naitala ang sentro ng nasabing lindol sa 74 kilometro hilagang kanluran ng panukulan, mag-aalas-10:00 kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, isang kilometro ang lalim ng naturang lindol na tectonic in origin.
Makalipas naman ang limang minuto, ibinaba ng PHIVOLCS sa 4.3 ang magnitude ng lindol.
Ipinabatid ng PHIVOLCS na naramdaman ang intensity 3 sa Quezon City at intensity 1 sa Mauban, Quezon dahil sa nasabing pagyanig.
—-