Paiigtingin pa ng mga simbahan sa Metro Manila ang mga panuntunan sa pagdaraos ng misa tuwing Linggo.
Sa gitna na rin ito nang ipinatutupad na alert level 4 sa Metro Manila.
Nag post na sa kani-kanilang social media accounts ang iba’t ibang simbahan ng guidelines na pinayagan ng IATF.
Kabilang dito ang 10% lamang na kapasidad o mga maaaring pumasok sa simbahan at pawang fully vaccinated lamang.
Ihihiwalay naman ang mga hindi pa bakunado na labas uubrang makinig ng misa.
Ipinaalala rin ng mga simbahan ang pagdadala ng vaccination card bukod pa sa pagsusuot ng face mask at face shield.