Pinatitiyak ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa pamunuan ng NCRPO na maipapaalam sa mga pulis ang mga bagong panuntunan ng alert level system ng quarantine classification na ipatutupad sa Metro Manila.
Ito ay matapos aprubahan ng IATF ang provisional guidelines para sa nasabing quarantine classifications.
Sinabi ni Eleazar na dapat maging fully informed ang mga pulis sa ground partikular ang mga pinapayagan at hindi pinapayagan sa bawat quarantine alert level kayat kailangang makipag ugnayan sa LGU’s bago mag Setyembre16.
Pasok sa alert level 4 na pinakamataas na risk classification kung saan bawal ang dine in, personal services at mass gatherings gayundin ang mga apor maliban lamang kung health care worker.
Kaugnay nito, umapela si Eleazar sa publiko na makiisa sa mga bagong panuntunan para na rin sa kaligtasan ng lahat.