Mahigpit na ipapatupad ang inilabas na guidelines para sa muling paggamit ng COVID-19 vaccines na gawa ng kumpanyang Astrazeneca.
Ang naturang guidelines ay inilabas matapos ang naging pagpupulong ng mga expert group ng Department Of Health (DOH) at ng Philippine Hematology and Transfusion Medicine o PCHTM.
Ito’y makaraang sundin ng DOH ang rekomendasyon ng Food and Drug Administration sa isinagawang pagsuspundi dahil sa napaulat na kaso ng Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia o VITT.
Bukod dito, sinabi pa ng DOH na ang naturang desisyon sa muling paggamit ng bakuna ay naging maganda ang tiyempo dahil sa parating na mahigit dalawang milyong doses ng Astranzeneca ngayong buwan sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin