Ilalabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang panuntunan para sa pag-operate ng premium taxi.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ang premium taxi ay mga magagarang sasakyan tulad ng Camry o mga sasakyang may 2.0 engine displacement.
Gayunman, sinabi ni Ginez na kailangang mayroong dalawampu’t limang (25) sasakyan o units ang isang operator bago ito makakuha ng prangkisa.
“’Yung magiging pamasahe po doon sa mga premium ay depende doon sa klase ng kung anong sasakyan, pero nasa mananakay na po ang desisyon kung ano ang kanilang sasakyan at yung kapasidad, kaya instead po na ikaw ay nata-traffic ng isa o dalawang oras sa Edsa eh meron kang chauffeur, dahil po talagang ire-require natin na talagang naka-unipormado sila.” Pahayag ni Ginez
By Len Aguirre | Ratsada Balita