Binabalangkas ng Department of Health (DOH) ang mga patakaran para sa pagbabakuna ng magkaibang COVID-19 vaccines sakaling hindi na maaaring ibakuna ang naunang naiturok na brand ng bakuna.
Ayon kay Food and Drug Administration head Eric Domingo, posibleng gawin ang ganitong pamamaraan sakaling nakaranas ng malalang allergic reaction o side effects ang naturukan ng unang dose ng bakuna.
Samantala, batay sa pinakabagong datos nasa 2.065 milyon na ang nabakunahan sa bansa habang sa ngayon mayroon namang 4.040 milyon suplay ng bakuna ang Pilipinas.